Site icon Catanduanes Tribune

Tingnan Natin | Jex F. Lucero:

DELIHENSIYA ANG MAHALAGA

Ang mayabang na kabataan Partylist ay nasa hot water ngayon dahil sa sobrang yabang at sobrang daldal kahit wala sa hulog at wala  sa timing. Kasi balita ko kay Quiboloy, Queen of Marites daw ang taong ito. Tira ng tira maski tabingi at kung minsan wala sa hulog basta maka-Marites lang. Queen kasi!

*****

Nagalit tuloy ang pangulo at tuloy kinasuhan ang queen ng cyber libel. Sayang, umpisa pa lang may kaso kaagad dahil sa kayabangan. Siguro kung hindi lumaki ulo niya, maliit. Oversize nga kaya ayon ang kinlagyan kaagad. Ang malungkot pa niyan, malamang ma-convict siya at akalain niyong pagbintagan na si PBBM daw ang salarin sa pagkamatay ni Percy Mabasa nakilala sa radyo bilang Lapid. Napakamalisyoso at masyadong wala talaga sa lugar!

*****

Paiimbistigahan ang ACT Partylist dahil sa malaking pera na nilustay nito na hindi malaman kung saan napunta at ginasta. Ang laki ng nasabing liga kaya maraming salapi. Ilang milyon ang guro sa buong bansa? Milyon kaya milyon din ang kuwartang nawawala.!

*****

Sabi ng Marites sa Malakanyang, hindi siya ang ahas. Hindi niya raw magagawa ito dahll ang totoo raw, sagana sa Marites ang Malakanyang at ang totoo raw sa sobrang dami nila, magkakamali na  ang bawat isa sa kanila.

*****

Inaresto pala ang isa sa anak ni DOJ secretary at sia ay handang magresign sa puwesto! Lalo marahil kung ito ay Marites na naman. Pero kung totoo ang balita, ang dapat magresign ang pangulo! Kung totoo ang balita, lampaw na! Pero kung balitang Marites, lampaw na man satanas!

*****

Giyera kung giyera at no mercy sa mga terrorista at mga kalaban ng batas, ang sabi ni VP Duterte nang iwan sa kanya ang bansa sumandali! Iba ang babae talaga! Hindi salita lang ang pinaiiral talaga! Patay kung patay basta ang laban naayon sa batas! Ang sagot lagi ang lababanan ay naaayon sa batas! Walang labis, walang kulang!

*****

Bakit nag aalisan ang mga player natin? Parks, Santiago, Ravena brothers, Paras at iba pang players? Ang dahilan ba ay salapi? Tayo bang mga Pinoy ay mga mukhang pera na rin? Look, iyong mga taga-ibang bansa pumunta sa atin para dito mamuhay, tayo naman umaalis para sa hanapbuhay? Para tayong mga siraulo!

*****

Isang lalaki may dalang pagkahabahabang mitsa ng lighter. Tanong sa lalaki ng nakasalubong: ano bang hinahanap mo amigo? Lighter hanap ko! Para masindihan tong lighter ko! Sa loob ng sinehan, madilim talaga pero walang ilaw at flasjlight kaya ang ginawa ng mama gumawa ng ilaw sa pamamagitan ng pagsunog ng papel na limang piso! Iyon ay para hanapin ang nawawala niyang baryang piso!

*****

Bakit daw nanghihimasok ang Amerika sa judicial system ng Pinas? Isa lang ang ibig sabihin niyan, palpak ang svstem natin parehas ng sa kanila! Tayo nga gaya-gaya, para tayong mga siraulo! Tingnan niyo, lahat American-style! Mayroon ba tayong Pinoy style? Baka gago style, diyan tayo magaling!

*****

Q: Alin daw uunahin yong. tulay o kung ano pa? Ang uunahin siyempre iyong delihensiya. Iyon ang una sa lahat bago ang tulay! Sa labanan ngayon, puro kuwarta ang mahalaga, una ang delihensya kaya umasa na kayo ng mga ampaw na proyekto!

Exit mobile version