Site icon Catanduanes Tribune

TINGNAN NATIN | Jex F. Lucero:

NAGKAGULO SA AYUDA NG MGA ESTUDYANTE

Bigayan ng student assistance, mas maayos kaysa noong una, ayon sa DSWD?  Kaya pala nag-aagawan kasi baka maubusan. May sapat na pondo naman, sabi ng DSWD. Parang eleksyon ano?

*****

Gusto ng Comelec ituloy ang eleksyon pero, ang mga suwapang na kongresista, gusto walang eleksyon dahil magastos daw! Ang mga kapitan na ayaw matanggal at gustong kumita tulad ng mga kongresista na kumikita kung eleksyon, gusto ituloy ang eleksyon. Sa madaling sabi, hati ang mga suwapang!

*****

Dati asukal, ngayon asin naman ang nagkukulang! Sa susunod sigurado mauubos sa atin mga tao! Marami ang namamatay sa sakit at mga umaalis sa bansa kaya malamang magkakaroon ng shortage ng tao sa hinaharap!

*****

Umaabot sa 1.3 bilyong piso? Minsan hindi na pinaniniwalaan ito kasi ang ilang opisyal ng gobyerno, kahit walang sira, sasabihin maraming sira para maraming pondo! Karamihan ang gumagawa nito ay mga opisyal ng LGU at mga kongressman! Mga suwapang talaga!

*****

Tanggapan ng SSS nasunog! Umasa kayong maatraso ang pabibigay ng SSS pension. Kaya mangutang na muna kayo sa walang pusong nagpapautang! Marami diyang kung magpautang lampas leeg ang patong, minsan lampas ulo pa! Aabutin din ang mga taong iyan at tawag diyan ay karma!

*****

Muling umatake ang lindol sa ilang bahagi ng Abra! Pero ang ayuda ay bumubuhos sa mga nasabing lugar! At sana naman tumigil na ang lindol at ang mga bagyo! Lindol, bagyo at iba pang mga trahedya naranasan na natin, please naman tama na!

*****

LPA nasa Palawan at Mimaropa na! Sana huwag na itong dadaan sa kahit anong parte ng Pipinas! Sumosobra na ito sana tumigil na mga hunghang na ito at medyo nakakarami na kayo! Sa totoo lang, nakakabuwisit na kayo!

*****

Sa Martes ay tataas na naman ang presyo ng krudo at gasolina! Malaking pahirap na naman ito sa mga motorista sa atjng bayan! Meron daw mga kababayan natin ang dapat sisihin! Kung sino man sila, mga salot sila ng lipunan! Sana mawala kayo sa mundong ito kaagad!

*****

Kasabihan: ang pag-ibig kailanman ay hindi mawawala, masama ka mang tao o kaya kung masama ka asahan mong kahit katiting ang ngalang pag ibig may puwang iyan sa dibdib niya! Kasi tao tayo! Ang pag-ibig kailanman ay hindi mawawala, lalo tayo ay tao!

*****

Ang pag-ibig kapag labis ay masama ang dulot nito dahil anumang sobra sa mundong ito ay masama! Ang buhay ng tao kailangan eksakto lang lalo na sa larangan ng pag-ibig! Kapag ito ay labis, maling-mali at ikaw ay mapapahamak at kung minsan habang buhay mong pagsisihan!

*****

Hindi pagkakaintindihan ang sanhi sa ibang lugar kung bakit nagkakagulo sa ibang lugar ng bansa! Ang dahilan ang tigas ng ulo ng mga tao o hindi pagkakaitinndi! Pag sinabing hindi puwede ang walk-in, hindi puwede pero iyong mga parents sige pa rin! Magkakagulo nga! Ganyan ang nangyayari sa bigaya ng ayuda sa mga estudyante!

Exit mobile version