Site icon Catanduanes Tribune

TINGNAN NATIN | Jex F. Lucero:

BBM HINDI KAPIT-TUKO

Hunyo na at ang daming pistahan ngayon! Kung gusto ninyong makaganti sa mga nanloko sa inyo, huwag na kayong maghanda. Paghandaan ninyong huwag magpakain sa mga nanloko sa inyo para makatabla naman kayo!

*****

Anong dahilan kung bakit maraming nabubuntis kung summer? Ang sabi, parati and babaeng may asawa  ang damit ay maiiksi at maninipis lalo pag nasa bahay kaya pag nakita ni  mister nalilimutan ang lahat!

*****

Pag taglamig nga naman, marami sa atin apektado ang katawan lalo kung gabi. Ang iba diyan nakabaluktot na, nakabalot pa ang katawan na halos walang makapasok na hangin. Maiisipan mo pa ba ang ibang bagay?

*****

Marcoleta bilang Secretary of Energy? Bagay sa kanya, sana maibsan ang paghihirap natin sa kuryente! Kasi nga labis ang kahirapan natin pagdating sa bagay na ito! Lalo sa mga kooperatiba na sa tagal ng panahon, patay sindi pa rin! Kaya hanggang ngayon ang ekonomiya natin hindi maka move-on!

*****

Secretary of Juastice naman si Remulla. Bagay din sa kanya, baka matapos na rin ang grabeng injustice sa atin at ang maiwan na lang panay hustisya! Si Erwin Tulfo ang siyang Secretary ng DSWD. Sana nagkaroon na tayo ng mabuting pamamalakad ng DSWD! Lalong maganda ang Department of Education, mismong Vice President ang pumili sa DepEd para pamunuan niya ito! Ngayon lang tayo magkakaroon ng pangulo at pangalawang pangulo na magkasangga!

*****

Tiyak malaki ang pagbabago sa pamumuno ni veep Duterte-Carpio! Tutal, isa lang naman ang hingi nila, ang dagdagan ang suwedo nila! Sa parte ng mga estudyante ang medyo mahirap dahil gusto nila makatikim ng hindi pa nila natitikman lalo ang masira ang ulo! Tulad ng mga estudyante sa mga libreng paaralan na mga ingrato at mga mayayabang. Libre na nga ang pag aaral, ang gobyerno na nagpapaaral sa kanila, siya pang kalaban!

*****

Ang nakakahiya, iyong mga nagsasabing aalis sila ng Pilipinas kung si BBM ang mananalo pero nandito pa rin sa Pilipinas! Ang kapal ng mukha tila makapal pa sa pader! Kung meron kang palabra de honor, aalis ka at titigil ka ng kalokohan mo.

*****

Walang problema pag walang nagawa si BBM, kusang lalayas yan. Sa palagay ko naman, hindi siya kapit tuko! Kusa siyang aalis dahil manipis ang mukha, di katulad ng iba diyan ayaw pang umalis  kahit nagsabing kung si BBM ang mananalo lalayas sila ng Pinas pero nandito pa rin! Kapal talaga!

*****

Natalo ang Pinas sa basketball ng lndonesia sa SEA games! Kaunaunahan sa laban tayong natimbog! Marami ang nagalit, sa ibang sports puede, huwag lang sa basketball! Kaso natalo nga tayo kaya hanggang iyak na lang tayo.

*****

Maganda nang manood ngayon sa TV dahil marami nang palabas di gaya noong may pandemya, kulang ang mga ipinakikita! Kahit marami pa ng may sakit, kampante na mga tao! Pero sabi ng DOH huwag daw tayong pakakampante, baka bumalik ito saka naman tayo maghihirap!

Exit mobile version